BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa higit 30 ang bilang ng nasawi dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa Rio Grande do Sul sa Brazil.
Ayon kay Honey Cristy, Bombo International News Correspondent sa Brazil, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, tuloy tuloy pa rin umano ang pag ulan at pagbaha na dahilan ng pagkasira nf hydroelectric dam sa southern Brazil
Sa kasalukuyan ay marami nang inilikas habang nasa panibagong bilang ang nawawala sa Rio Grande do Sul state.
Personal na bumisita si Brazilian President Luiz InĂ¡cio Lula da Silva para personal na makita ang pinsala at tiniyak niya ang tulong sa mga apektadong biktima.
Nabatid na halos isang Linggo na ang pag ulan at tuloy pa mapahanggang ngayon.
Saad ni Cristy, ngayon lang ito nangyari ang matinding baha kaya hindi nakapaghanda ang mga tao. Hindi masyadong binabaha dati ang Brazil .
Pinaniniwalaang ang malawakang baha doon ay dahil sa climate change.
Kasalukuyang suspindido ang pasok sa trabaho at pasok sa eskuwela.
Samantala, isa sa problema din nila ngayon ay ang mataas na kaso ng dengue sa nasabing bansa.
Tinatayang nasa apat na million ang nagkasakit at nasa 2,000 ang nasasawi mula ng magsimula an outbreak nito.