DAGUPAN CITY- Pumalo sa 40 indibidwal ang naging biktima ng jellyfish sting sa nakalipas na Semana Santa sa Tondaligan beach na tinulungan ng mga medical team na nakaantabay sa lugar.
Ayon kay Dr. Ma. Julita De Venicia ang OIC ng Dagupan City Health Office na ang bilang na ito ay ang pinagsamang datos ng CDRRMO at kanilang opisina.
Dahil sa mataas na kaso nito ay nagdulot ng pansamantalang pag-abiso na “No swimming policy sa lugar kamakailan bilang pag-iwas sa posible pang pagdami ng kaso nito.
Sa bilang na ito ay may mangilan-ngilan na isinugod sa ospital habang ang iba naman ay hindi naman malubha na nabigyan na lamang paunang lunas.
Bukod dito may mga ilan pang kaso na naitala at tinugunan ng mga tauhan sa nasabing opisina gaya ng dizziness o pagkahilo, Burns dahil sa mainit na buhangin at iba pa ngunit hindi naman gaanong kataasan habang wala namang naitalang pagkalunod sa lugar.