Tumaas na sa 191 ang bilang ng mga Pilipinong humihingi ng tulong mula sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, kasunod ng mga mapaminsalang wildfire sa Southern California.

Ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz, ang mga wildfire ay nakawasak ng libu-libong mga tahanan at pumatay ng hindi bababa sa 24 na tao, hanggang noong Lunes.

Samantala,wala namang Pilipino sa mga nasawi, ayon kay Cruz.

--Ads--

Ang Konsulado ay nakikipagtulungan sa LA-based na Pilipino Workers Center upang magbigay ng tulong sa mga biktimang Pilipino, kabilang ang paghahanap ng tirahan para sa mga nawalan ng bahay o nailipat sa mga lugar ng evacuation.

Mahigit sa 12,000 na mga bahay, negosyo, paaralan, at iba pang mga istruktura ang nawasak ng mga wildfire na nagsimula sa Los Angeles noong nakaraang Martes.

Aabot sa 40,300 ektarya ng lupa ang nasunog mula sa iba’t ibang mga apoy, kabilang na ang Palisades Fire at Eaton Fire.

Nabanggit din ni Cruz na ang bawat displaced Filipino ay makatatanggap ng emergency assistance na $200