Laking pasasalamat ngayon ng tanggapan ng Autopro Pangasinan dahil sa karagdagang bilang ng mga panibagong ruta dito sa probinsiya ng Pangasinan.

Ayon kay Autopro Pangasinan President Bernard Tuliao, nitong Biyernes ay nagbigay ang tanggapan ng LTFRB ng mga karagdagang ruta kung kayat umaasa sila na ma-applyan kaagad ng mga operators upang sa mga susunod na araw ay maka biyahe na lahat.

Umabot sa bilang na 255 ang naaprubahan ng LTFRB na maaaring maka biyahe sa buong probinsiya ng Pangasinan na siyang magiging malaking tulong para sa mga mananakay.

--Ads--

Sa CSI Lucao nagkaroon ng karagdagang 9 na biyahe, Downtown Loop Service, 17, Bonuan Gueset karagdagang 24 na biyahe, Binloc para sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroon ng 18, Boquig-17, Mangin-5, Salisay, Tambac, Bolosan-16, Calasiao-Dagupan routes-19, San Carlos-Malasiqui-Dagupan-12, Binalonan via Urdaneta-6, Alaminos-Infanta-9, Dagupan-Bolinao-6, Dagupan-Urbiztondo-12, Dagupan-San Carlos-15, Dagupan-Manaoag-7, Dagupan-Malasiqui-12, Dagupan-Sual-14, Dagupan-Sta barbara-14, Dagupan-Tebag-6, Urdaneta-Asingan-7, San Fabian Inmalog-Dagupan-10.

Giit ni Tuliao, inabisuhan niya lahat ng kaniyang nasasakupang asosasyon sa ating lalawigan kaugnay sa panibagong ruta kasabay ng pagpapa alala sa mga dokumento at requirements na kailangan ng LTFRB upang sa lalong madaling panahon ay maka biyahe na kaagad ang mga ito.

Paliwanag pa ng opisyal na sinisiguro nilang naipatutupad ang bawat health protocols sa mga pampublikong sasakyan dahil kapag nag bibigay sila ng special permit, nakasaad na doon ang mga IATF protocols gaya na lamang ng pag obserba sa social distancing, No face mask and face shield no entry , No Ride at iba pang panuntunan.