Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng tornado sa Estados Unidos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins – Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, pumalo na sa 32 na ang nasawi mula sa tatlong estado na apektado – ang Kentucky, Missouri at Virginia.
Nakaabot na rin aniya ang tornado sa New Jersey ngunit wala pang report ng casualties.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga biktima dahil marami pa ang nawawala at patuloy itong nanalasa hanggang kaninang umaga.
Masyadong biglaan aniya ang tornado kung saan maraming bahay at mga establisyemento ang nasalanta.
Itinuturing na pinakamalalang tornado ang naranasang ito dahil sabay sabay at maraming estado ang naapektuhan at marami ang nasawi.
Sa kasalukuyan ay libu libong kabahayan ang walang kuryente sa ilang estado ng US.
Bagamat normal na ang tornado sa ilang bahagi ng US na madalas salantain ng tornado kaya ang mga bahay nila ay may underground kaya kapag may tornado warning ay bumaba na sila sa basement.