BOMBO DAGUPAN – “Marami parin ang missing, samantala ang iba ay nagpapagaling sa ospital.”

Yan ang ibinahagi ni Nilo T. Magalan Bombo International News Correspondent, Saudi Arabia kaugnay sa mga nasawi sa Hajj pilgrimage dahil sa heatstroke bunsod ng matinding init na panahon.

Aniya ay umabot na sa 1002 katao ang bilang ng mga naitalang nasawi kung saan pumalo ng 51.8 degree celsius ang temperatura sa nasabing bansa.
Kinabibilangan naman ito ng iba’t ibang nasyunalidad kagaya na lamang ng mga Malaysians, Indonesians,Pakistanis, Tunisians, Iranians at Indians.

--Ads--

Kaugnay nito ani Magalan ay hindi basta-basta ang makapasok sa mecca kapag walang authorization o I.D na nagpapatunay na ikaw ay muslim para makapag-perform ng pilgrims.

Samantala, bagamat ay summer parin sa Saudi Arabia kaya matindi parin ang init ng panahon doon. Naglabas din umano ang kanilang gobyerno ng memoramdum ukol sa pagpatigil ng mga outdoor na trabaho lalo na ang construction.

Nag-implementa din sila aniya ng mga safety measures gayundin ang paghahanda ng mga medikal team.