BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa 77 ang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa streptococcal toxic shock syndrome sa Japan kung saan ang sakit na ito ay infectious o nakakahawa.

Ayon kay Myles Briones Beltran-Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa na kapag dumapo ang sakit na ito sa isang tao ay maaari magdulot ng pagkasawi sa loob lamang ng 48 oras o dalawang araw.

Aniya na pumapasok ang nasabing bacteria sa mga open wounds gaya ng sugat at malaki ang posibilidad na mahawa dahil dito.

--Ads--

Itinuturing na lubhang mapanganib ito dahil ang nasabing sakit ay kumakain ng laman at kapag umabot na ang bacteria sa daluyan ng dugo ay sadyang nakalalason na maaari namang magdulot ng pagkasawi.

Kaugnay nito ay dinadagdagan na ng mga eksperto sa nasabing bansa ang kanilang kaalaman kung bakit nagkaroon ng ganitong deadly bacteria.

Samantala, ay hindi naman nagpapanic ang mga tao sa Japan ani Beltran ngunit lumalaki na ang bilang ng mga naitatalang kaso kayat patuloy ang kanilang pagsusuot ng facemask.

Nagpaalala naman ito na bagamat ay hindi pa naman umaabot gaya ng covid ang pagkahawa at mga kasong naitatala subalit maigi na makinig sa mga balita para magkaroon ng kamalayan kung paano ito maiwasan, at mainam din na palakasin ang katawan, mag-ehersisyo, magkaroon ng balanced diet gayundin ang tamang disiplina sa oras ng pagtulog.