Tumaas ang naitalang bilang ng fire incident ngayong taon sa bayan ng Manaoag kung nasaan umabot sa 16 ang kabuuang bilang.

Ayon kay Fsinsp. Virgilio Mamitag III, Municipal Fire Marshall, Manaoag BFP ang mga naitalang insidente ay kombinasyon ng mga nasunog na bahay, 2 sasakyan at mga grassfire.

Lumalabas din na mas mataas ang ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

--Ads--

Ani Mamitag na ito ay dahil sa mataas na heat index kaya mas mabilis din ang paglaki ng apoy.

Samantala, patungkol naman sa isang residential na nasunog kamakailan sa kanilang bayan aniya na gawa sa light materials ito at patuloy naman ang kanilang imbestigasyon ukol dito.

Napag-alam naman na ancestral house ito at hindi na tinitirhan ng mga magkakapatid na may-ari at may itinalaga na caretaker.

Wala namang naitalang causalty kaugnay nito.

Paalala naman nito magkaroon ng proper house keeping upang maiwasan ang anumang katulad na insidente.