Nakapagtala na ng 1,147 na suspected hand foot and mouth disease sa Region 1 mula buwan ng Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon.

Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala ng 98.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV Center for Health Development (CHD) Region, sa nasabing bilang, 504 sa LaUnion, 339 sa Pangasinan, 68 sa lungsod ng Dagupan, 113 sa Ilocos Sur at 123 sa Ilocos Norte.

--Ads--

Halos 60 percent na tinamaan ay mga batang edad 1-4 anyos na pinakaapektuhan ng sakit.

Ang HFMD ay isang uri ng sakit na ang may dala nito ay isang virus.

Nakikita ito sa ating respiratory organ katulad ng ilong at throat, ito ay naipapasa sa pamamagitan ng respiratory droplets o kumakalat sa pamamagitan ng laway.

Gayunman, umaabot sa 2-3 weeks ay tuluyan gumagaling ang may sakit lalo nakung malakas ang resistantensya ng pasyente.

Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, ang payo ni Bobis ay dapat mas madalas ang paghuhugas ng kamay at gamit ang malinis na tubig at sabon, magsuot ng face mask, iwasan ang paglabas ng bahay ngayong mainit na panahon.