DAGUPAN CITY–Ikinatuwa ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan ang pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling motorista na gumagamit ng muffler o modified na tambutso dito sa syudad.

Ayon kay Jovel Dondo, Traffic Aide 1 ng POSO Dagupan, pa isa-isa na lamang ang mga nahuhuli nilang naka muffler simula nang ipatupad nila noong nakaraang taon ang ordinansa para rito.

Kumpara aniya noon na hindi bumababa sa 60 ang nasisita nila sa loob ng isang linggo kung saan sa kasalukuyan ay nasa mahigit 500 ang kabuoang bilang ng mga nahuli.

--Ads--

Karamihan naman sa kanilang mga nahuhuli ay hindi residente ng lungsod ng Dagupan.
Pinapayuhan din nila ang mga motorista na ibalik na lang ang mga dating tambutso upang hindi na masita at mahuli ng awtoridad.