Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga Dagupenong nagpaparehistro sa Commission ngayong tuluyan ng nagsimula ang pagpaparehistro para sa darating na Barangay at Sk Elections.

Ayon kay Atty. Michael Sarmiento mula sa COMELEC Dagupan na naging mataas ang kanilang naidatos na bilang ng mga nagparehistro sa kanilang pagbubukas kahapon kung saan ay umabot ito sa 166 katao.

Aniya na nalagpasan nito ang kanilang inaasahang bilang na aabot lamang sa 50-60 katao kada araw.

--Ads--

Kaya naman aniya kanila na ring tinaasan ang benchmark sa mga susunod araw sa higit 160-200 mga Dagupenong magpaparehistro sa kanilang himpilan.

Dagdag rin nito na tuloy-tuloy naman ang kanilang isinasagawang pagbabantay sa lahat ng mga tumutungo sa Comelec Dagupan na kanila pa ring nasusunod ang lahat ng mga health protocols bilang pag-iwas na rin sa banta ng Covid-19.

Ayon pa sa naturang opisyal na kabilang sa mga sumusunod ang kanilang tinatanggap para sa aplikasyon.
Application for Registration, Application for Reactivation, . Application for Transfer at Application for Correction.

TINIG NI ATTY. MICHAEL SARMIENTO

Pagsasaad din nito na kahit pa may mga naging usapan sa pagsususpinde ng naturang eleksyon, hangga’t walang ipinaiiral na kautusan sa pansamantalang pagtitigil nito ay kanilang ipagpapatuloy ang pagtanggap sa mga indibidwal na nais makilahok sa inaasam na pagbabago sa pamumuno sa Barangay at SK.