Nanatili pa ring mataas ang bilang ng mga nahuling lumabag sa batas-trapiko dito sa lungsod ng Dagupan.
Ito mismo ang inihayag ni Police Lt./Col. Abubakar Mangelen Jr hepe ng PNP Dagupan, sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.
Ayon sa hepe, bagama’t mahigpit na ang pagpapatupad nila ng mga batas, ay marami pa rin silang naitalang traffic apprehensions. Nariyan aniya ang mga pasaway na motorista na nagmamaneho na expired ang lisensya, paso na ang registration ng sasakyan, at pagmamaneho na walang helmet o seatbelt.
Bukod pa sa mga nabanggit na paglabag, madalas din umano sila makahuli ng mga lasing o nakainom na draybers.
Sa kabila naman nito, nanagako ang opisyal na mas paiigtingin pa nila ang pagpapatupad ng batas trapiko at sisiguraduhin ding pananagutin ang mga patuloy at paulit ulit na lumalabag dito. with report from Bombo Lyme Perez