Umakyat na sa 7 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa buong Region 1 .
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer 4 ng DOH Region 1, 5 na ang naitalang positive case sa Pangasinan at 2 sa La Union habang ang Ilocos Norte at Ilocos Sur ay nananatiling Covid-19 free.
Matatandaan na sa huling datos ng Provincial Health Office ng lalawigan ng Pangasinan, 4 pa lamang ang naitalang confirmed case pero ayon kay Bobis, kahapon lamang dumating sa kanila ang report mula sa RITM na may isang naidagdag na positive case mula sa Pangasinan..
Ang dalawa ding pasyente na nasawi sa Region 1 Medical Center dito sa lungsod ng Dagupan na mula sa bayan ng Lingayen at Bani na nasa kategorya ng Patient Under Investigation o PUI ay kasalukuyan pa ding inaantay ang resulta ng kanilang throat swab.
Aantayin pa ang 3 hanggang 4 na araw bago malaman kung sila ba’y positibo o negatibo sa Covid-19.
Patuloy din aniya ang isinasagawa nilang contact tracing lalo na sa mga huling nakasalamuha ng mga biktima upang malaman kung mayroon ding na infect sa kanila.
Ang nasawing pasyente na mula sa bayan ng Bani ayon kay Bobis, batay sa kanilang paunang impormasyom ay galing sa NCR at wala namang ibang sakit maliban sa ubo at sipon.
Sa ngayon, kinukumpleto pa nila ang ibang impormasyon tungkol sa pasyente maging ang kanIyang laboratory examination.
Giit ni Bobis na sa ngayon, hindi pa nila nakikita ang pag baba ng bilang ng mga naitatalang PUI pero hindi naman nangangahulugan na tumataas ang kaso.
Ibig sabihin lang aniya nito ay mas dumarami ang mga nairerecord at namomonitor na mga indibidwal na galing sa ibang lugar at nakikitaan ng mga sintomas kayat tumataas ang nilang ng mga PUI.
Bagamat tumataas ang numero ng PUI, ang magandang balita naman ay marami din ang nag nenegatibo sa covid-19.