DAGUPAN CITY- Umaabot na sa kabuoang 3,655 ang kabuoang bilang ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa rehiyon uno.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health-Center for Health Development, nitong January 2024 ay umabot sa 326 ang dumagdag sa panibagong kaso sa rehiyon.
Aniya, umaabot naman sa higit 300 ang kabuoang bilang ng mga naitatalang nasawi.
--Ads--
Aniya, patuloy ang pagbibigay ng serbisyo patungkol sa HIV ang Department of Health (DOH) sa mga mayroon nito katulad ng counseling.
Ito ay upang magkaroon ng hakbang ang mga nagpositibo upang maiwasan ang lalong paglala ng kanilang karamdaman.