Dagupan City – Bilang ng mga inilikas sa Brgy.Malued, lumubo pa dahil sa nararanasang baha
Lumubo pa ang bilang ng mga inilikas sa Brgy.Malued dahil sa nararanasang baha na nasa lampas tuhod at ang iba’y lampas tao ng lebel ng tubig.
Ayon kay Brgy. Malued Captain Pheng Delos Santos, nasa 70 hanggang 80% na kasi ng baranggay ang lubog kaya’t lumubo na rin ang bilang ng mga inilikas.
Kung saan aabot na sa 84 pamilya o katumbas ng 275 indibidwal na pansamantalang nananatili sa evacuation center .
Isa naman sa nakikita nilang dahilan kung bakit ganito na lamang ang pag-apawa ng tubig sa kanilang nasasakupan ay ang nasirang dike sa brgy. Vicente sa Calasiao at ang dike sa kailugan sa brgy. Malued.
Inaasahan naman aniya na aabutin pa ito ng 1 hanggang 2 linggo. Dahil dito, patuloy naman ang kanilang monitoring at pagbibigay tulong sa kanilang nasasakupan pagdating sa kinakailangan ng mga ito.