BOMBO DAGUPAN – Marami parin ang hindi consolidated ang sasakyan sa bansa dahil malaking halaga ang nirerequire ukol dito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Elmer Labog Chairman, Kilusang Mayo Uno aniya malaking tigpas sa kabuhayan ng mga tsuper na hindi nakakabyahe ito, bagama’t wala namang alternitabong programa ang gobyerno sa mga naapektuhan.
Kaugnay nito ay isa ding nakikita niyang impact ng nasabing konsolidasyon ang posibleng kakulangan ng jeep lalo na sa Metro Manila kapag dumating ang tintawag na rush hour. Karamihan sa mga commuters ay mawawalan na ng masasakyan at magiging pahirapan na rin sa pagsakay.
Dagdag pa niya na hindi lamang sa mga tsuper may direktang epekto ito kundi maging sa kanilang pamilya. Marahil kada isang araw na hindi sila makakapagpasada ay malaking problema na iyon lalo na sa kanilang pangkain araw-araw dagdag pa kung may pinag-aaral silang mga anak.
Samantala, ay binigyang diin din niya na dapat magkaroon ng seryosong resolusyon ang gobyerno gayong hindi lahat ng drivers ay kayang pumaloob sa nasabing konsolidasyon.