Tuloy-tuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Health o DOH Region 1 sa lahat ng mga tumatayong frontliners sa ating nasasakupan bilang kabahagi sa pag sugpo ng Covid-19 pandemic.

Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer 4 ng nabanggit na ahensya, bumababa ang bilang ng mga frontliners na tinatamaan ng Covid-19 dahilan upang kahit papano’y makaramdam ng kaginhawaan ang kanilang tanggapan.

Giit ni Bobis na kailangang-kailangan ngayon ng ating bansa ang mga frontliners lalo na ang mga health care workers dahil sila ay lumalaban sa virus.

--Ads--

Samantala sa parte naman ng DOH, sinisiguro nila na gagawin nila ang lahat ng paraan upang maipa abot sa kanila ang lahat ng kanilang mga pangangailangan maging mga benepisyo.

Kung pag uusapan naman ayon sa opisyal ang bilang ng mga recovered patients sa ating rehiyon, sa kanilang pagtaya, nasa 80-85% na ang bilang ng mga ito.

Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer 4(DOH)

Samantala, muling nagpaalala ang kanilang tanggapan sa lahat ng mga LGU’s sa ating rehiyon na hanggat maaari ay iwasan ng magsagawa o gumamit ng rapid test sa pag tukoy ng kalagayan ng mga indibidwal sa kanilang nasasakupan.