DAGUPAN, CITY— Kinumpirma ng grupong ASSERT ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng hindi nakakadalo sa mga itinakdang online class ngayong school year sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Randy Alde Alfon, Committe Chaiperson on Education ng naturang grupong, kanyang pinatutuhanan na karamihan umano sa mga estudyante sa ngayon ay hindi makadalo sa kanilang online classes dahil sa kawalan ng pera pambili ng kagamitan pa rito gaya ng smartphones o laptops.

Bukod pa umano rito, ay hindi rin gaanong ka-stable ang internet connection sa bansa kaya hindi nila masustena na makadalo roon araw-araw.

--Ads--

Base na rin sa kanilang naging karanasan, tanging 6 sa 54 lamang na estudyante ang nakadalo sa kanilang online class.

Aniya, hindi umano nila mawari kung bakit pilit pa rin umano ipinagpipilitan ng Department of Education (DEPED) ang naturang hakbang sa kabila ng paglabas ng survey na nagsasabing mas gugustuhin ng mga estudyante ang pagsasagwa ng modular type ng pagtuturo kaysa pagsasagawa ng online class lalo sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng ating bansa.