DAGUPAN CITY – Sa 95 na dumalo sa reunion na pinuntahan ng nagpositibo sa 2019 Coronavirus Disease (COVID-19) na Australian lawyer, patungo sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan, mahigit 50 na lang umano rito ang kailangang i-trace ng Department of Health (DOH) Region1.

▶250 katao na dumalo sa reunion na pinuntahan ng Australian na nagpositibo sa Covid-19 minomonitor sa Pangasinan

Sapagkat 8 sa bilang na nabanggit ay natignan na ng Kagawaran ng Kalusugan at sila naman umano’y hindi nakakitaan ng anumang sintomas ng virus.

Samantala, 19 sa kanila ay nakalipad na paalis ng bansa.

--Ads--

Ayon kay Dr. Valeriano Lopez, Director ng DOH Region-1, sa mahigit 50 ay kasama pa sa kanilang ginagawang contact tracing ang mga catering staff, venue staff, at mga miyembro ng banda sa naturang pagtitipon.

Dr. Valeriano Lopez, DOH Region-1 Director

Sinabi rin ni Dr. Lopez na bagaman mayroon na silang listahan ng mga dumalo sa nabanggit na pagsasalo-salo ay wala pa umano silang hawak na address ng mga ito.