DAGUPAN CITY- Naiparangal na ang Drug-cleared certificate sa munisipalidad ng Binalonan at San Fabian.
Ayon kay Rechie Camacho, Provincial Officer ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan, may kabuoan nang 34 na bayan at 1,168 barangay ang naideklarang drug cleared sa lalawigan ng Pangasnnan.
3 bayan naman ang natitirang mag aapply ng sertipikasyon upang opisyal nang madeklarang drug-cleared.
Aniya, dumaan muna ang local executives ng mga nasabing munisipalidad sa mga kaukulang proseso bago sila maideklarang drug-cleared.
Kabilang na dito ang pagkakaroon ng balaysilangan para maideklarang drug-cleared ang isang bayan, katulad ng San Fabian. Subalit, sa kaso ng Binalonan, nagkaroon umano sila ng Memorandum of Agreement sa Provincial Balaysilangan sa bayan ng Burgos.
Gayunpaman, isa man sa requirement ang pagkakaroon ng personal na balaysilangan, wala aniya silang ideya kung maglalabas ng sarili ang munisipalidad ng Binalonan.
Samantala, sinabi ni Camacho na nagtulong tulong ang lokal na pamahalaan ng Binalonan upang makamtan ang naturang sertipikasyon. Ngunit, magsisilbing hamon sa nasabing bayan ang pagpapanatili ng kanilang status.
Natagalan lamang ang nasabing bayan dahil sa isang drug personality na kabilang sa Duterte List.
Habang naging matagumpay naman ang bayan ng San Fabian na ipasok sa balay silangan ang mga street level pushers.
Maliban diyan, 3 na lamang na natitirang bayan ang mag aapply para sa sertipikasyon.