BOMBO DAGUPAN – Nadagdagan pa ang bilang ng mga barangay na apektado ng African swine fever (ASF) sa 458, o tumaas ng 82% kumpara sa naunang datos ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa kaagahan ng buwan.

Ayo sa BAI, ang aktibong kaso ng ASF ay naitala sa 458 barangays sa 32 lalawigan sa 15 sa 17 rehiyon ng bansa.

Sa datos ng BAI, ang mga apektado ng ASF ay 251 barangays sa 22 lalawigan sa 11 rehiyon.

--Ads--

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary for Poultry and Swine Dante Palabrica na ang pagtaas ay inaasahan sa gitna ng tag-ulan.

Dagdag pa niya, ang pagkalat ng ASF ay maaaring dahil sa mga mapagsamantalang trader na nagbibiyahe ng mga baboy na maaaring infected ng viral disease.

Ayon kay Palabrica, ang local government units ay maaaring makatulong sa pagkontrol sa pagbiyahe ng infected hogs.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture (DA) na walang kakulangan sa suplay ng baboy dahil may sapat na suplay nito sa merkado.