Dagupan City – Nabawasan ng siyam na porsyento ang bilang ng mga insidente ng krimen sa Pangasinan noong 2025 kumpara sa 2024 dahil sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng peace and order initiatives, ayon sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) noong Marso 6.

Ayon sa ulat, bumaba ang kabuuang krimen mula 3,061 insidente noong 2024 sa 2,788 noong 2025 na isang pagbaba ng 273 kaso.

Naobserbahan ang pagbaba sa mga pangunahing krimen gaya ng murder, rape, robbery, theft, at motorcycle theft na bumaba ng humigit-kumulang 21 porsyento, mula 811 kaso noong 2024 sa 638 kaso noong 2025.

--Ads--

Bumaba rin ang non-index crimes ng 4 porsyento, mula 2,250 kaso noong 2024 sa 2,150 noong 2025, kabilang ang special law violations na bumaba mula 1,559 sa 1,489, at iba pang paglabag mula 511 sa 482.

Nasa datos din ang pagbaba ng krimen ay bunga ng pinatibay na anti-criminality operations at patuloy na koordinasyon sa mga local government units at komunidad, na nakatulong mapanatili ang mas ligtas na kapaligiran sa probinsya.

Patuloy naman na palalakasin ng Pangasinan PPO ang pagpapatupad ng mga batas at ordinansa, titiyakin na susundin ng mga pulis ang prinsipyo at magtatatag ng Tourist Police Unit upang mapabuti ang kaligtasan sa mga lugar ng turismo.