DAGUPAN, CITY— Pumalo na sa 17 ang bilang ng death cases sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay matapos pumanaw ang 84 anyos na lolo na isang covid 19 patient sa barangay Lasip Grande sa lungsod.
Ayon sa mga health authorities, posibleng may dati ng may iniindang karamdaman ang pasyente bago tinamaan ang covid 19.
Dahil hindi agad nakuha ang resulta ay pinaglamayan pa ang pasyente.
Pitung panibagong kaso ang naitala sa lungsod, kabilang ang ilang frontliners, mga close contact sa mga naunang nagpositibo sa sakit at positibo rin ang isang fish vendor sa magsaysay market.
Samantala, umabot na sa 1,000 ang nakarekober, 392 naman ang nananatili sa mga pagamutan at nasa 54 na ang nasawi dahil sa covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan.
Sumatotal, sumampa na sa 1,446 ang kumpirmadong kaso ng covid sa lalawigan.
Naidagdag ang 25 na panibagong kaso kahapon, 8 recoveries at isang nasawi.
Ang nasawi ay 83 anyos na lalaki mula sa bayan ng Aguilar.




