Naaresto ang isang bigtime drug personality sa isinagawang search warrant operation ng pulisya sa lungsod ng San Carlos lalawigan ng Pangasinan.
Nakumpiska ng mga otoridad sa bahay ni William Macaso ang sampung pakete ng hinihinalang shabu at isang pakete ng pinatuyong marijuana.
Ayon naman sa suspek, hindi sa kanya ang mga nakumpiskang illegal na droga.
--Ads--
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa kasong comprehensive dangerous drugs act.
Ayon sa pulisya, dati ng nasa drug watchlist ang suspek.