BOMBO DAGUPAN- Nabigo si Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na dumalo sa ika-9 na Senate Inquiry ngayon araw kaugnay sa human trafficking sa Tarlac dahil umano sa nagkasakit ito. Bukod diyan, nabigo din magpakita ang mga kaanak nito na inimbitahan sa hearing.

Sinabi ni Guo sa ipinadala niyang liham sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na nakaapekto umano sa kaniyang kalagayan ang mga nakaraang hearing.

Naging sanhi umano ito ng kaniyang stress at mataas na lebel ng anxiety na lubhang nakaapekto sa kaniyang mental health.

--Ads--

Nabanggit din ng alkalde na nakasira sa kaniyang imahe at naging kahihiyan siya sa publiko dahil umano sa mga isinampang kaso sakaniya kaugnay sa human trafficking.

Gayunpman, hindi aniya ito nangangahulugan na binabalewala niya ang kautusan ng committee.