Posibleng magkaroon ng big-time oil price rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, April 21, 2025.

Ayon sa oil industry sources, halos P17 ang posibleng maging tapyas sa kada litro ng diesel.

Aasahan naman ng higit P3 ang magiging pagbaba sa presyo ng gasolina, at halos P3 sa kerosene.

--Ads--

Gayunpaman, nakadepende pa rin ito sa magiging final trading.

Sakaling matuloy, ito na ang ikalawang sunod na linggo na rollback sa produktong petrolyo.