Nakatakdang isagawa ng Provincial Engineering Office ang agarang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng provincial road sa Barangay Biec, Binmaley, Pangasinan, kasunod ng patuloy na follow-up ng lokal na pamahalaan at mga residente dahil sa pagbaha at pagkasira ng kalsada.

Ayon kayNakatakdang isagawa ng Provincial Engineering Office ang agarang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng provincial road sa Barangay Biec, Binmaley, Pangasinan, kasunod ng patuloy na follow-up ng lokal na pamahalaan at mga residente dahil sa pagbaha at pagkasira ng kalsada.

Ayon kay Mayor Pedro A. Merrera III, patuloy ang koordinasyon ng Municipal Government of Binmaley sa Provincial Engineering Office hinggil sa kondisyon ng nasabing kalsada. Kabilang sa mga pangunahing naapektuhan ang mga residente mula Biec at Canaoalan, gayundin ang mga tricycle driver at estudyanteng gumagamit ng ruta patungo sa quarry area.

--Ads--

Binigyang-diin ni Merrera na mahirap isagawa ng munisipyo ang malawakang pagkukumpuni dahil provincial road ang nasabing bahagi at nasa ilalim ito ng hurisdiksyon ng pamahalaang panlalawigan. Gayunman, nakahanda ang lokal na pamahalaan na maghanap ng pansamantalang paraan, kabilang ang paglalagay ng gravel mix o buhangin, upang mabawasan ang lalim ng tubig at mga panganib sa mga motorista habang hinihintay ang provincial intervention.

Samantala, sinabi ni Engr. Amadeo B. Veras, Department Head ng Provincial Engineering Office, na mayroon nang programa para sa pagsasaayos ng bahagi ng kalsada sa Biec bago pa man lumala ang kondisyon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Naipag-utos na rin umano sa project engineer na nakatalaga sa lugar na pabilisin ang paghahanda upang maisagawa ang kinakailangang road repair.

Kabilang sa unang hakbang ang paghahanda ng road base bago isagawa ang asphalting at pagkukumpuni ng mga lubak. Inihanda na rin ng Provincial Engineering Office ang purchase request para sa road repair at hinihintay na lamang ang mas angkop na kondisyon ng panahon para sa aktuwal na implementasyon.

Tinatayang nasa 300 metro o higit pa ang bahaging nangangailangan ng pagkukumpuni. Ayon kay Veras, malaki ang naging pinsala sa mga provincial road dahil sa matagal na pag-ulan, kung kaya’t inuuna ng tanggapan ang mga pangunahing provincial road habang patuloy ding tinutugunan ang mga barangay road.

Kasunod ng direktiba ni Governor Ramon V. Guico III, nakatakdang isagawa ang pagkukumpuni sa mga nasirang kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan. Kabilang sa mas matinding naapektuhan ang mga bayan sa ikalawang distrito, habang marami rin umanong nasirang kalsada sa unang distrito.

Patuloy naman ang koordinasyon nina Mayor Merrera at Engr. Veras upang matugunan ang problema sa Biec at iba pang bahagi ng Binmaley. Inaasahang maisasagawa ang mga kinakailangang remedial measure at road repair kapag naging mas maayos ang kondisyon ng panahon, upang mabawasan ang panganib sa mga tricycle driver, motorista, estudyante at mga pasaherong araw-araw na gumagamit ng kalsada.I, patuloy ang koordinasyon ng Municipal Government of Binmaley sa Provincial Engineering Office hinggil sa kondisyon ng nasabing kalsada. Kabilang sa mga pangunahing naapektuhan ang mga residente mula Biec at Canaoalan, gayundin ang mga tricycle driver at estudyanteng gumagamit ng ruta patungo sa quarry area.

Binigyang-diin ni Merrera na mahirap isagawa ng munisipyo ang malawakang pagkukumpuni dahil provincial road ang nasabing bahagi at nasa ilalim ito ng hurisdiksyon ng pamahalaang panlalawigan. Gayunman, nakahanda ang lokal na pamahalaan na maghanap ng pansamantalang paraan, kabilang ang paglalagay ng gravel mix o buhangin, upang mabawasan ang lalim ng tubig at mga panganib sa mga motorista habang hinihintay ang provincial intervention.

Samantala, sinabi ni Engr. Amadeo B. Veras, Department Head ng Provincial Engineering Office, na mayroon nang programa para sa pagsasaayos ng bahagi ng kalsada sa Biec bago pa man lumala ang kondisyon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Naipag-utos na rin umano sa project engineer na nakatalaga sa lugar na pabilisin ang paghahanda upang maisagawa ang kinakailangang road repair.

Kabilang sa unang hakbang ang paghahanda ng road base bago isagawa ang asphalting at pagkukumpuni ng mga lubak. Inihanda na rin ng Provincial Engineering Office ang purchase request para sa road repair at hinihintay na lamang ang mas angkop na kondisyon ng panahon para sa aktuwal na implementasyon.

Tinatayang nasa 300 metro o higit pa ang bahaging nangangailangan ng pagkukumpuni. Ayon kay Veras, malaki ang naging pinsala sa mga provincial road dahil sa matagal na pag-ulan, kung kaya’t inuuna ng tanggapan ang mga pangunahing provincial road habang patuloy ding tinutugunan ang mga barangay road.

Kasunod ng direktiba ni Governor Ramon V. Guico III, nakatakdang isagawa ang pagkukumpuni sa mga nasirang kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan. Kabilang sa mas matinding naapektuhan ang mga bayan sa ikalawang distrito, habang marami rin umanong nasirang kalsada sa unang distrito.

Patuloy naman ang koordinasyon nina Mayor Merrera at Engr. Veras upang matugunan ang problema sa Biec at iba pang bahagi ng Binmaley. Inaasahang maisasagawa ang mga kinakailangang remedial measure at road repair kapag naging mas maayos ang kondisyon ng panahon, upang mabawasan ang panganib sa mga tricycle driver, motorista, estudyante at mga pasaherong araw-araw na gumagamit ng kalsada.