Dagupan City – Sa pangunguna ni FSINSP Eric S. Catte, Municipal Fire Marshal, nagsagawa ng coastal roving at fire truck visibility ang mga tauhan ng San Fabian Fire Station bilang bahagi ng pagpapatupad ng OPLAN SEMANA SANTA at LAKBAY ALALAY 2025

Layon ng aktibidad na matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na sa mga lugar na dinadagsa ng mga turista at deboto ngayong Semana Santa.

Ang presensya ng mga bumbero at fire truck sa mga baybaying-dagat ay nagsilbing paalala at gabay upang maiwasan ang anumang insidente ng sunog at agarang makatugon sa oras ng sakuna.

Ang hakbang na ito ay bahagi rin ng pinaigting na kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilalim ng programang SUMVAC 2025 o Summer Vacation Preparedness, kung saan binibigyang-pansin ang kahandaan at mabilis na pagresponde sa mga emergency lalo na sa panahon ng bakasyon.