Sinisiguro ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Carlos City ang pagsusuri sa electrical wirings ng kanilang Christmas Village sa nabanggit na siyudad.
Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Acting City Fire Marshal, F/SInsp. Michelle Sicat, naka-deploy sa vicinity ng City Plaza mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi ang mga firetruck at ambulansiya na siyang handang rumesponde sa anumang insidente.
Aniya, kanilang sinusuri ang electrical connections ng nasambit na pasiyalan bago at pagkatapos ng pailaw nito.
Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publikong bibisita sa lugar laban sa anumang maaaring pagsimulan ng sunog.
Samantala, nakaantabay naman ang kanilang hanay sa mga posibleng ibabang kautusan ng pambansang pamahalaan kung papayagan ba ngayong taon ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa darating na pagsalubong sa taong 2021.