Dagupan City – Arestado ang isang 35-anyos na aktibong personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos maaresto sa isang entrapment operation ng Dagupan City Police Office (DCPO) noong Agosto 5, 2026.
Ayon sa pulisya, inalok umano ng suspek ang isang 25-anyos na residente ng Santo Tomas, Pangasinan ng garantisadong slot sa 2026 BFP recruitment process kapalit ng ₱150,000.
Agad humingi ng tulong ang complainant sa Police Station 1 na nagsagawa ng entrapment operation. Matapos tanggapin ng suspek ang marked money, nagtangka itong tumakas ngunit naharang at naaresto malapit sa boundary ng Dagupan City at Binmaley.
Hindi agad narekober ang marked money at patuloy itong iniimbestigahan ng pulisya. Dinala ang suspek para sa medico-legal examination at kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO habang inihahanda ang kaukulang kaso para sa Office of the City Prosecutor.










