DAGUPAN CITY- Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan ng mamamayan, nagsagawa ng Public Address ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilang barangay sa Labrador, Pangasinan.

Pinangunahan ni SFO3 Ricky V. Saringan ang aktibidad na sumaklaw mula Barangay Bongalon hanggang Barangay Bolo.

Layunin ng public address na magbigay ng mahahalagang paalala ukol sa fire prevention at life safety, lalo na sa panahong mas mataas ang posibilidad ng mga insidente ng sunog.

--Ads--

Ibinahagi ng BFP ang mga pangunahing fire safety tips tulad ng tamang paggamit ng mga kagamitang elektrikal, pag-iingat sa pagluluto, at pag-iwas sa paggamit ng bukas na apoy.

Binibigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano sa oras ng emerhensiya, kaalaman sa mga evacuation route, at agarang pag-uulat ng sunog sa mga awtoridad.

Hinikayat ang mga residente na maging mapagmatyag at makiisa sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kanilang mga komunidad.

Tiniyak naman ng BFP na magpapatuloy ang mga information drive at public address sa iba pang barangay upang higit pang mapalakas ang kamalayan ng publiko hinggil sa fire at life safety.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, layon ng BFP na mabawasan ang mga insidente ng sunog at mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan sa Labrador, Pangasinan.