DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng public address ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Labrador bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan laban sa sunog at iba pang sakuna.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga personnel ng BFP ng nasabing istasyon sa pamumuno ni SFO3 Ricky V. Saringan.
Isinagawa ang public address noong Enero 2, 2025 na sumaklaw mula Barangay Poblacion hanggang Barangay Bolo.
Layunin ng aktibidad na ipaalala sa mga residente ang mahahalagang fire at life safety tips, lalo na sa wastong pag-iingat sa paggamit ng kuryente, pagluluto, at iba pang posibleng pagmulan ng sunog.
Binibigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng emerhensiya at ang tamang hakbang na dapat gawin sakaling magkaroon ng sunog o iba pang panganib.
Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, patuloy ang BFP sa pagpapaigting ng impormasyon at kamalayan ng komunidad upang maiwasan ang insidente ng sunog at mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan sa buong bayan ng Labrador.









