DAGUPAN CITY- Humihiling ang Bureau of Fire Protection-Dagupan City ng P3.6 million na ilalaan para sa kanilang mga karagdagang kagamitan at aktibidad.
Ayon kay FCINSP. Jun Eland Wanawan, City Fire Marshall ng naturang tanggapan, kabilang sa mga ito ay ang pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa publiko.
Una sa kanilang kahilingang procurement ay ang personal protective equipment.
Aniya, sa kasalukuyan, kinakailangan na nila ng panibago sapagkat sira-sira na ang ilan sa mga ito.
Kinakailangan din nila ng pondo para sa Body-worn cameras, alinsunod sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla.
Maliban pa riyan, kabilang sa kanilang kahilingan ang pondo para sa service motorcycles para sa mas mabilis na pagresponde sa mga nangangailangan at hindi magkaroon ng delay dulot ng trapiko.
Dagdag pa niya ang mga rescue equipments na gagamitin sa anumang uri ng rescue operations, partikular na sa tuwing nakakaranas ng pagbaha sa syudad.
Samantala, humiling din sila ng pondo na ilalaan para naman sa karagdagang kagamitan sa kanilang tanggapan.
Nabanggit ni Wanawan ang pang ngangailangan para sa double-deck beds na gagamitin sa quarters ng kanilang mga female personels.
Gayundin sa gym equipments upang matiyak na ‘physically fit’ ang kanilang mga tauhan.