Dagupan City – Nananawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan na maging maingat upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay SPO3 Amante Battalao – Deputy City Fire Marshall, BFP Dagupan City, kinakailangang suriin ng publiko ang paggamit ng mga christmas lights at iba pang mga pailaw. Gaya na lamang ng pagsasagawa ng quality check mark na ibinibigay sertipikasyon ng Bureau of Philippine Standards (BPS) bilang bahagi ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dito umano nakikita at mas nagsisiguro na ang mga Christmas lights at iba pang mga pailaw ay sumusunod sa mga pamantayan ng kalidad at kaligtasan.

--Ads--

Binigyang diin din nito na iwasan ang octupos wires o ang pag-overload ng mga suckets upang maiwasan ang sunog.