DAGUPAN CITY- May ilang pamamaraan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa syudad ng Dagupan bilang pagtitipid sa krudo habang nananatiling handa sa pagresponde.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhun Eland Wanawan, City Fire Marshall, Dagupan City, pupuntahan muna ng kanilang traktor ang naturang insidente upang berepikahin ito at tsaka lamang susunod ang iba pang reresponde.

Aniya, babawasan na rin ang paggamit ng aircon sa sasakyan upang makabawas sa konsumo ng petrolyo.

--Ads--

May kamahalan na rin kase ang diesel na kanilang pinanggagasolina sa kanilang dalawang firetruck at isang ambulansya.

Samantala, hind aniya ipapatupad sa kanilang hanay ang 4-day work week dahil kinakailangan ang kanilang mga tauhan sa oras ng emerhensiya.