Dagupan City – Nagsagawa ang Binmaley Fire Station ng fire safety lecture at fire drill sa Barangay Naguilayan, Binmaley, Pangasinan noong Marso 22, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Community Relations Week ng Bureau of Fire Protection.
Sa pangunguna ni FSINSP Ciara Ley L. Capule, Municipal Fire Marshal, layunin ng aktibidad na mapataas ang kamalayan at kahandaan ng komunidad sa pag-iwas at pagtugon sa sunog.
Tinalakay sa programa ang wastong paggamit ng fire extinguisher, mga hakbang sa pag-iwas sa sunog sa tahanan, at tamang pagresponde sa oras ng emerhensiya.
--Ads--
Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng BFP na palakasin ang kaalaman ng komunidad sa fire safety at isulong ang kultura ng kahandaan at kaligtasan sa mga residente.










