Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region I na ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish na nagmumula sa Alaminos City, Bani, Bolinao, Anda, at Sual Pangasinan, base sa inilabas na Shellfish Bulletin No. 17.

Kaugnay nito, inabisuhan naman ng tanggapan ni Rosario Segundina Gaerlan, OIC Regional Director ng BFAR Region 1, ang lahat ng lokal na pamahalaan na obligahin na magpresenta ng mga fish at shellfish trader ng “auxiliary invoice” na inisyu ng LGU kung saan nagmula ang mga panindang isda at shellfish o ang Local Transport Permit galing naman sa BFAR upang matiyak na lahat ng mga paninda sa merkado ay dumaan sa pagsusuri at kaukulang dokumentasyon.

Ang hakbang na ito ay paraan upang mabigyan ng sapat na babala ang taombayan gayun na din para maiwasan ang pagkakalusot ng mga illegal na kalakaran pagdating sa pagbebenta ng ibat-ibang lamang dagat sa merkado.

--Ads--