Dagupan City – Hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 ang mga maliliit na mangingisda sarehiyon uno na magparehistro sa kanilang Muncipal Agriculture Office sa kanilang bayan upang makasali at matulungan sila sa mga programa na isinasagawa ng ahensya at ng gobyerno.
Ayon kay Regional Director Rosario Segunda P. Gaerlan na mayroong 136,000 mahigit na mga mangingisda sa rehiyon uno na kung saan ito ay nahahati sa apat na kategorya, una na rito ang capture fisheries o sila yung mga nanghuhuli ng mga isda na mayroong 60,000 mahigit na bilang o katumabs ng 44%, at ang ikalawang kategorya naman ay ang mga nag-aalaga ng mga isda sa parte ng aquaculture ito ay binubuo ng 20,000 mahigit o 15%, at kabilang din ang mga nagpoproseso gaya na lamang ng mag dedebone, nagdadaing at iba pa ay binubuo ito ng nasa 2% at ang ika-apat na gurpo ay ang mga nagbebenta o mga traders na kung sila ay umaabot na 8% na bilang na bahagi na matatawag na mangingisda sa rehiyon.
Dagdag pa aniya ang may pinakamalaking bilang ng mga rehistradong mangingisda ay mula dito sa laalwigan ng Pangasinan.
Kaya naman kaugnay nito ay may panawagan ang opisina para sa mga mangingisda na kabilang sa mga nabaanggit na kategorya na magparehistro sa kanilang bayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang hanapbuhay.