Dagupan City – Pumanaw na ang beteranong aktor at direktor na si Manny Castañeda.

Ang balitang ito ay kinumpirma mismo ng kapwa direktor at kasalukuyang FDCP chairperson na si Jose Javier Reyes ngayong lunes ng umaga, Hulyo 1, 2024.

Bago pa man ang balita ay isang cryptic post ang ibinahagi ni Joey sa social media platform kagabi, Hunyo 30, tungkol sa pagdadalamhati niya dahil sa pagpanaw ng isang kaibigan.

--Ads--

Ngunit naging palaisipan naman iyon at sa ngayon ay wala pang binanggit na detalye si Direk Joey kung kailan at kung ano ang sanhi ng pagpanaw ni Manny.

Si Direk Manny Castañeda ay nagsimula bilang aktor noong 1979, sa pamamagitan ng pelikulang Aliw. Kabilang sa mga nauna niyang pelikula ay ang Oro Plata Mata (1981), Relasyon (1982), Bukas Luluhod Ang Mga Tala (1984), Tinik Sa Dibdib (1985), at Sana’y Wala Nang Wakas (1986).