Sumakabilang buhay na ang beteranang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa edad na 78.

Batay ito sa naging social media post ng aktor na si Nino Muhlach.

Noong nakaraang buwan ay ibinahagi ni Solis ang mga pinagdaranan lalo na noong ito ay na-confine ng ilang araw sa pagamutan.

--Ads--

Inamin niya na nakaranas siya ng mga lapses sa mental at pisikal na kahinaan na naging sanhi upang mahirapan siyang gawin ang mga pang-araw-araw na galaw.

Nagsimula siya bilang entertainment new writer bago naging talent manager at naging television host.

Ipinanganak noong 20 Mayo 1947 sa Maynila, si Solis ay naging isang kilalang pangalan sa bansa bilang isang host mula 1995 hanggang 2015.

Samantala, bumuhos naman ang mga nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.