Mga kabombo! Isa ka ba sa mahilig kumain ng pagkain? O naniniwala sa kasabihang “food is life?”

Pero bukod sa “food is life” gusto mo ay iyung mainit na pagkain?

Worry no more sa Japan! Dahil ang dating nakasanayang binibiling pagkain kung saan bago kainin ay iniinit muna ito sa microwave.

--Ads--

Ngayon, hindi na! Dahil sa bansang Japan, mayroon silang sikat na kakaibang lunch box o bento na kusang umiinit?

Ayon sa ulat, ang kailangan mo lamang gawin, hilain ang tali sa gilid ng box at sa loob ng ilang minuto, mayroon ka ng instant hot meal.

Sa ilalim ng bento, mayroong lalagyan ng maliliit na white coals o calcium oxide na siya namang naglalabas ng tubig.

Kung saan habang kapag hinila ang tali, hahalo ito sa uling, at doon na magkakaroon ng exothermic reaction o pag-release ng heat.

Sa ganitong paraan, pwede mo nang i-enjoy ang isang hot at freshly made bento.