Dagupan City – Matumal ngayon ang bentahan ng isda sa Magsaysay public Marke sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Bangus Vnedor na si Vangie balolong, isa sa nakikita nilang dahilan ay dahil sa pagtaas ng presyo ng bangus.
Mas mataas din aniya ito kung ikukumpara sa presyo noong holiday season, dahil na rin sa kaunti lamang ang nahuhuli.
Salungat naman ito sa naging pahayag ni Bangus Vendor na si Aiyah Oxino, dahil aniya, bagama’t bumaba ang presyo ng kanilang benta nanantiling matumal pa rin ang kaniyang bent
Ang presyo naman ng mga ito na kinabibilangan ng pusit, nasa P200-250.
Kaya naman bumagsak aniya ang presyo ay dahil sa tirang mga hindi naibentang suplay noong holiday season.
Kung ikukumpara naman aniya ang naging bentahan niya noong nakaraang taon, mas matumal pa rin ang bentahan nila ngayon kaya’t hirap bawiin ng mga naging puhunan ng mga ito.