Dagupan City – Umabot sa mahigit ₱20 milyong piso ang kabuuang benta ng Kadiwa sa Kapitolyo sa ng Provincial Agriculture Office para kanilang isinasagawa na Kadiwa ng Pangulo Bazaar.
Ayon sa kay Rammy Sison ang Agribusiness on Marketing Service Coordinator ng nasabing opisina na eksaktong 20, 985, 243.60
Milyon piso ang naitala nilang benta mula September 2022 hanggang 2024 mula sa 97 na kadiwa related activities sa lalawigan habang ngayong January hanggang August ay maya kabuuang benta sila ng mahigit 9 na milyong piso.
Sakop ng datos na ito ang mahigit 2 taong programa sa lalawigan na naglalayong maihatid sa mga mamimili ang mga produktong agrikultural sa abot-kayang presyo.
Aniya na nasa 2, 582 na exhibitors ang kanilang natulungan sa pagbenta ng kani-kanilang produkto habang 55,710 mga house hold na nabigyan ng pagkakataong makabili ng mura at dekalidad na produkto.
Bukod dito ay may datos din sila para sa House hold savings na umaabot naman P4,456,800 Milyon peso.
Malaking tulong ito sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante upang mabilis at direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mga konsyumer.
Kabilang sa mga produktong ibinebenta sa Kadiwa Bazaar ang mga sariwang gulay, prutas, bigas, karne, isda, at iba pang produktong agrikultural na mismong gawa ng mga exhibitors.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay isang programa ng Department of Agriculture na naglalayong magbigay ng direktang merkado para sa mga lokal na magsasaka at mapababa ang presyo ng mga bilihin para sa mga konsyumer.