Sa patuloy na pagtaas sa kaso ng dengue sa rehiyon uno, katuwang ang Philhealth regional office 1 upang maibsan ang mga gastusin ng mga kababayan na na-admit sa mga hospital dahil sa dengue.
Ayon sa naging panayam kay Dr. Majesty Ritchie Parayno ang siyang Medical Specialist III sa naturang tanggapan ang pagtaas ng package rate para sa dengue ng PhilHealth ay nagmula sa kanilang pangangailangang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa mga miyembro nito.
Noong Nobyembre 2024, inihayag ng PhilHealth ang pagtaas ng kanilang benefit package para sa severe dengue mula PHP16,000 hanggang PHP47,000.
Samantala, ang coverage para sa mild dengue cases ay tumaas mula PHP10,000 hanggang PHP19,500.
Ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan para sa mga miyembro nito.
Aniya na wala rin namang pagbabago sa proseso o pag-avail ng mga package rate para sa mga miyembro ng Philhealth.
Ang mga benepisyong ito ay naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga pasyenteng may dengue sa ating bansa.