DAGUPAN, CITY— Nasa safe zone pa na kondisyon ang bed capacity ng mga hospital sa Region 1.
Ito ang pahayag ni Dr. Rheuel Bobis ang medical officer IV ng DOH Field Office 1, ukol sa kondisyon ng mga ospital lalo na kung kaya pa nilang tumanggap ng mga pasyente lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Bobis, sa ngayon ang buong bed occupancy rate sa government at private hospitals ay 40.34 percent, ibig sabihin sa 1,512 na kama 610 dito ang occupied na mas mataas sa nakalipas na buwan.
Bagamat ito umano ay hindi pa tumatawid ng warning or critical zone ay hindi sila nagpapakampante at kanilang ginagawa ang lahat para hindi na tumaas pa ang cases ng covid19 at dumami ang mailagay sa mga ospital.
Aminado din ito na sa ngayon ay muling nakakakita ng pagtaas ng COVID-19 cases sa mga probinsya sa region 1 kayat patuloy na pinapaalalahanan ang publiko sa pagsunod sa mga health protocols at suportahan ang FDA approved vaccines laban sa COVID-19.