Mga kabombo! Kaya mo bang hindi banlawan ang kamay mo matapos mong humawak ng sili?
Eh paano kung malaman niyong ginagawa pala itong lip plumper.
Ayon sa ulat, kinilala umano ang nag-upload nito sa social media platform na si Shubhangi Anand.
Si Shubhangi ay residente ng Delhi, India at isang beauty influencer.
Sa content nito, matapos na maglagay ng mga makeups sa kaniyang mukha, humiwa ito ng sili at ginawang parang lipstick para mag-plump.
Matapos namang pahiran ni Shubhangi ng green chili ang kanyang labi, mahahalatang nakaramdam siya ng discomfort dahil sa anghang. Bahagya ring namaga ang kanyang lips—tulad ng inaasahan niyang resulta.
Ang video ng beauty influencer ay nakakuha na ng mahigit 22M views at mahigit 217K reactions at umani ng samo’t saring komento.
Payo naman sa kaniya, pagkatapos niyang maglagay ng sili sa mga labi, huwag na huwag siyang magpapaaraw dahil maari itong magkaroon ng hyperpigmentation sa mga labi—na posibleng hindi na matanggal.
Bukod naman sa matinding iritasyon, nagdudulot pa ito ng pamamaga—na isa sa mga factors kaya ginagamit ni Shubhangi para mas maging prominente ang kanyang mga labi.