Isa ka ba sa mga naghahanap ng resort na mapupunatahan sa ibang bansa?
Baka ito na ang chance mo para subukan ang bagong bukas na beach resort sa North Korea.
Ayon sa naturang bansa, binuksan umano ito para mapalakas ang kanilang turismo.
--Ads--
Ang Wonsan Kalma sa East Coast ay nakatakdang buksan sa mga domestic tourist sa Hulyo 1.
Umabot sa anim na taon bago tuluyang matapos ang nasabing beach resort.
Ang nasabing beach resort ay kayang mag-accomodate ng hanggang 20,000 na bisita kung saan ang dagat ay mayroong habang apat na kilometro.
Inaasahan na kapag binuksan na ang beach resort sa mga dayuhang turista, mangunguna ang Russia at China na dadayo dahil sila ang matalik na kaalyado ng North Korea.