Dagupan City – Enero pa lang ng taong kasalukuyan ay hiwalay na si Bea Alonzo at ang ex-fiancé niyang si Dominic Roque.

Ito ang kinumpirma ni Bea kamakailan kung saan ay sinabi nito na ang mga pinagdaanan niya sa mga nakalipas na buwan matapos ng breakup nila ni Dominic.

Ayon kay Bea, si Dominic mismo ang tumapos sa mahigpit apat na taon na kanilang relasyon.

--Ads--

Taliwas ito sa kumalat na impormasyong si Bea ang nagdesisyong hindi na ituloy ang nakaplano nilang kasal ng aktor ngayong taon.
Bagay na naungkat muli sa panayam niya sa Tatler Asia.

Dagdag pa ni Bea hindi naging madali para sa kanila ni Dominic ang desisyong tuldukan ang kanilang relasyon.
Matatandaan na noong February 11, 2024, nag-post ang dalawa sa social media upang kumpirmahin ang kanilang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon, halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea noong July 18, 2023.

Aktor na si Dominic Roque, siyang nakipag-break sa ex-fiancée niyang si Bea Alonzo
Actor na si Dominic Roque, tuluyan nang naghain ng reklamong cyberlibel laban kay Cristy Fermin
Carla Abellana, inamin na starstruck pa rin ito sa kapwa actress na si Bea Alonzo