Matagumpay na isinagawa ang “Bayanihan ed Tindaan,” isang community clean-up drive sa pamilihang bayan ng Mangaldan.

Nauna na rito ay hinimok ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno ang mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal at pambansang ahensya, market vendors at stall owners na aktibong makilahok sa paunang paglilinis sa palengke.

Aniya, layunin ng inisyatiba na maisulong ang kanyang pinaigting na direktiba sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamilihang bayan, na dinarayo hindi lamang ng mga residente kundi maging ng mga mamimili mula sa mga karatig-lugar.

--Ads--

Sa kanyang mensahe, ibinahagi rin ng alkalde ang mga matagumpay na programa ng lokal na pamahalaan noong nakaraang linggo, kabilang na ang mga inisyatibo sa pagpapalakas ng sektor ng kalusugan, isports, at agrikultura.