Naghahanda na ang Bayan Pangasinan na maglunsad ng protesta laban sa mga sensitibong usapin sa gobyerno.
Ayon kay Eco Dangla tagapagsalita ng Bayan Pangasinan sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan dahil lockdown ay idadaan nila ito sa selfie protest.
Hindi nila aniya magawa ang online protest dahil may problema ang internet connection.
Inaasahan na kapag medyo lumuwag na ang situwasyon ay muling magtitipon sila sa mga sentrong bayan at sentrong lungsod.
Nanawagan naman si Dangla sa mamamayan na makiisa online sa selfie protest na gagawin sa Biyernes upang iprotesta ang ibat ibang usapin na kinabibilangan ng matinding corruption sa Philhealth, pagiging inutil ng gobyerno sa paglaban sa covid 19, at mga lokal na isyu kabilang ang pagtatayo ng ikalawang coal power plant sa bayan ng Sual.




